tanghali na. pag bakasyon nga naman, kahit anong oras ang gising, tama?
depende yun... sa kung pano ka gigising. at sa kung sino ang gigising sayo.
tulad na lang kanina. sa pagkakataong ito nanay ko ang bumulabog sa akin sa kama. sabi niya mamimili daw ako ng grocery sa cherry. tapos bigla niyang kinuha yung cellphone ko na lagi kong katabi pag natutulog.
minsan, dalawang pagkakamali lang ang kailangan para mabulgar lahat ng sikreto mo.sa sitwasyong ito, yung una ay ang pagpapabaya ng mga gamit sa kung saan-saan lang... at hindi tinatago sa tamang kinalalagyan. tulad ng cellphone ko. dapat nasa ilalim ng unan ko yun.
ikalawa - kung ano ang magiging reaksyon mo sa mga maaaring mangyari... kasi, nang kunin ni nanay ang cellphone, bigla akong bumangon at sinubukang kunin ang bagay na nasa kamay nya.
"wag! wag! teka, akin na muna yan!" sigaw ko habang hinahabol ko siya. "pramis, sandali lang!!"
"naku, may laman to, basahin ko ng- aray! masakit!" sabi ni inay, sa higpit ng hawak ko sa cellphone at sa kamay niya.
hindi ko nakuha sa kanya. mamaya-maya lang nabasa na niya yung buong inbox nun.
"ikaw ha... gusto ko tanggalin mo yan lahat mamaya. sino ba yan?"
"...kaibigan ko po." bigla akong napangiti, di alam ang dahilan.
"sige sabi mo eh. may girlfriend ka na ba? yung totoo ha."
"wala po."
"talaga? ano to, liniligawan mo? o liniligawan ka?"
"hindi... kaibigan lang talaga."
"sige. mamayang gabi mo na ito makukuha."
pagkatapos noon napahinga ako ng malalim, at nagpasalamat na yun lamang ang nangyari. kaya pala niya kinuha yung cellphone kasi isa-save nya sa outbox yung mga kailangan kong bilin. kay tanga ko talaga no?
ayun. pinapunta ako sa cherry. pero wala sa akin yung cellphone.
kasi naman, ayaw kong sabihan ng sikreto yung mga magulang ko. eto napala ko. siguro, yun na ang huling pagkakataon na wala sa ilalim ng unan ang cellphone ko.
hay... katawa-tawa naman, di pa rin ako natututo... dalawang beses na kasi ito nangyari saken... siguro nga dapat may sabihan na akong iba ng mga sikreto ko...
yung mga messages? nasa inbox ko pa rin. pasaway ako no?