the writer
a writer, eh? not really. but why? because i'm a hopeless romantic. taunt me. laugh like the hyena. do the hokey-pokey. pounce on me. tell me how hopeless i am... real hopeless. go ahead. that's fine with me...
or share some pity and feel my pain. isn't that him, the dying martyr? oh, the poor chap. look at his frail limbs and fragile soul. but no, no. you'd never say that.
because i'm just a freakin' writer who no one cares about.. do tell me if i'm wrong, huh. not that i care.

Image hosted by Photobucket.com
did you hear me?

ace | adam | anna | ate airuz | ate aleth | ate anna | ate kimie | ate kris | ate lorine | ate norai | ate patit | bricci | cynthia | dana | desa | dina | gelynne | gerald | graziella | hazel | jaimee | jamie | janica | jason | jenny | justin | kathy | kuya dean | kuya james | kyreen | larz | m.a.j.i.k. | macy | marella | miles | phimie | raphael | rhio | pikselot | swastika | toki | yeye/valen


speak up...



past notes

April 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005


credits

layout by qamuri
template hosted by blogskins
image hosting by photobucket
comment and trackback system by haloscan
javascript by dynamic drive
based on dictionary.com

6.26.2005

16

"ginawan mo ng tula yun?" tanong saken ng isang lalaki.

wala akong sinabi, pero may linaglag akong lukot na papel sa bulsa niya. "tignan mo na lang."

"hay nako gab. ang drama mo. ilagay sa blog!" sabi nung kapatid ko.

"saan tayo bukas?" tanong ng isa pa.

"wala ako bukas eh."

"ay, tumatakas sa libre o!!"

hay. nakakatuwa talaga pag magbebertdey ka na. kasi kahit minsan, naaalala ka ng mga taong tulad nila... :)

"gab, happy birthday!" bati saken ng isang pamilyar na tinig.

napatungo ako ng onti. siya pala yun... "salamat..." tugon ko sa kanya. tapos may habol pang, "tsaka, bukas pa birthday ko..."

syet. kung alam mo lang, desperado na akong makausap ka. tignan mo naman, kung ano-ano nang sinasabi ko sayo. tsaka, ba't ba di kita matignan ng deretso? ganun ka ba talaga kaganda? haaay. ang gulo ko talaga no?

ayun. di ba halata, maganda araw ko??
pati mga guro nga, mukhang nakikiayon... di na nagklase sa amin mula tanghali eh. syempre kami, nanamantala naman. naglaro. nagsugal. naglaro ulit.

mga sampung minuto bago matapos ang klase, lumabas na ako ng paaralan kasama ang isang kaibigan at pumunta ng mcdo. linibre ako nung kasama ko ng coke float. edi ang saya talaga, kasi di naman ako nagpapalibre. (ui... salamat talaga, alam mo na kung sino ka!!! :D)

habang nakapila kami sa mcdo, nasabi ko bigla sa katabi ko, "alam mo ba... heartbroken ako."

"ganun ba? eh ba't ganyan ka makangiti?"

"siguro kasi.... bertdey ko! kaya dapat masaya ako."

tumawa yung kasama ko. "sabagay, tama ka rin." sabay kuha nung coke float.

tapos nun bumalik ulit kami sa quesci. sa mathay 2, kasi may mga tao pa naman dun. sa 4th floor, kung saan napakarami na ring nangyari. doon, nakausap ko ulit siya. matino-tino na rin, kahit papano... partida, heartbroken pa ako. ewan ko ba. ba't ang saya ko nun???

----

alas-dose na ng gabi. di pa rin ako tulog. pero pagod na pagod ako nun. insomnia na naman.... may nag-text. happy birthday daw, sabi niya saken. ang galing nga eh. 12:00:07 niya ako binati. kaso nga lang, hindi pa ako tumanda nun.

pinanganak ako noong ika-25 ng hunyo, sa ganap na alas-sais sa gabi. nung oras na yun, mga lima na rin ang bumati saken. pero hindi pa ako 16 taon gulang nun.

kahit na ganun...... tatanda pa rin ako. nakakainis. ayoko pa talaga. habang iniisip yang bagay na yan, nakatulog na ako.

nagising ako sa bulyaw ni ama. mga 6:30 na ng umaga. kumakain na nga sila eh. "happy irthday anak! ilang taon ka na?" tanong niya.

"um... 16 po."

"hmm... sweet 16 pala! never been kissed, never been touched!" sabay tawa ng mga taong katabi niya sa mesa. sa lakas ba naman nung banat eh, kahit ako nagulat.

kaso, may hindi tumawa. yung babaeng katabi ni itay - na siya ring nagsabi na... "gabriel, hindi ka pupunta sa review mo ngayon."

hindi na ako nakaimik. wala rin namang magagawa eh. hay. hinintay ko na lang na maging ganap na 16 years old na ako... mga labindalawang oras.

the silent spoke up on 18:41

_______

Comments: Post a Comment
a psychotic's online dictionary


DEAR READER,

This blog site is no more used by the writer.

Please proceed to his NEW SITE if you're still interested at what's happening to him.

However, if you persist...

click on this icon.

THANKS. If you want to dig deeper into his past... Click here.



gee... thanks guys...
(gee, thanks guys...)