mas malala ka pa... mas malala ka pa!
hmmp! anong kalokohan ba itong pinasukan ko? akala ko makakabuti sa akin... akala ko mas gaganda buhay ko... tapos... hmmp! mas malala ka pa talaga! sa totoo lang, wala ka rin palang pinagkaiba sa iba... pare-pareho lang kayo! putek talaga!
bakit pa kasi... ikaw? sa lahat ng pwede? akala ko kasi iba ka. putek. nagkamali pala ako. maling mali!!! nabulag lang ako... naloko...
kung magsalita ka naman kasi parang andaming magandang nangyayari. saan ko ba napulot yun? ako naman si tanga, sobrang tanga, nagpapaniwala. ayan. naloko na! at oo, aaminin ko. umasa ako... pero pinapaasa mo lang pala talaga ako. sana hindi na lang tayo naglokohan ng ganito... pareho naman pala nating alam na wala talaga. wala. wala!!!
ngayon... sabihin mo sa akin... bakit mo ginawa yun? ba't mo sinabi yung mga ganung bagay? tingin mo ba pag nalaman ko yung katotohanan hindi ako masasaktan? mukha ba akong manhid, walang puso, walang pakiramdam? eh pano kita mamahalin nun?
kaya naman naisip ko na itanong kung sino ba talaga ako sayo. para maging ganun ka rin sa akin. para tama lang. pinangako ko yan. ngayon, alam ko na. palamuti. dekorasyon. basura. iniitsupwera lang. yun lang pala ako sayo.
pero... hindi ko kayang tratuhin ka ng ganyan... bakit? kasi mahal kita? oo. mahal na mahal kita. kaya hindi ko magawang magalit sayo. putek talaga!
nung una... akala ko matitiis ko yung sakit, yung kirot ng mga pinaggagagawa mo. sa huli magwawala rin pala ako ng ganito. sa huli, luhaan nga talaga ako. luhaan. lagi naman eh. lagi na lang!!!
sabihin mo na sa akin. ba't mo pa ako pinaasa ng ganito? ba't mo ginustong masaktan lang ako? hay. sabihin mo na lang kung tama yung hula kong sagot, ha?
kasi wala lang ako sayo. wala. wala. tama diba? hmmp! hindi ko na maintindihan ba't pinahahalagahan kita ng ganito. ang labo na ng lahat ng bagay. sobrang labo... ang labo mo rin kasi... nakakainis!
sabi mo nga, marami pang lalaki dyan. sabi mo nga, maganda ka naman... sabagay, tama ka. kaya nagkaron ka ng karapatan na ibasura ako ng ganito. naiintindihan ko na.
hay. nakakamatay nga pala ang akala.
leche 'tong buhay na to.
=======
sa kabila ng lahat ng ito.... haaaaaaaay.
sorry ha. ako ang may problema. ako. wala ka namang kasalanan. ako lang talaga. hindi naman ikaw yung nag-iisip nyan eh. hindi naman ikaw yung umiiyak gabi-gabi dahil diyan. hindi naman ikaw yung nasasaktan. ako lang. ako. ako...
nakakaloka noh?
pagkatapos ng lahat ng yan, babalik rin ako sa dating ako... at makakalimutan ko rin yung mga sinabi ko....
pero ikaw... ganyan ka pa rin... at siguro ganyan ka na talaga... hindi naman sa gusto kitang magbago... ano nga ba namang pakialam mo saken diba? at sino ba ako para makialam sa buhay mo? alam ko. wala.
oo, nasasaktan na naman ako.
pero... ganito kasi eh... ilang beses na rin akong nasaktan... napakarami na rin nun... dahil sayo. kaya kung masaktan man ako ulit... hindi ko na masyadong iindahin yun. mula ngayon. ganyan talaga pag nasasanay, diba?
pero wala ka talagang kasalanan... kaya pabayaan mo na lang ako. kalimutan mo na rin kung gusto mo.
ito na lang hiling ko...
pabayaan mo na lang rin akong mahalin ka sa paraan na alam ko.