"gabriel! ikaw ba yan?"
yan na ang karaniwang sumbat ng mga tao sa akin kapag araw-araw na nila akong nakikitang maaga sa klase, may dalang malaking bag at nagsusulat ng notes. hindi ba makapaniwala ang mga tao na kaya ko ring magbago? pano ko ba papatunayang hindi pagpapakitang tao lamang ang lahat ng ito???
hay. pakiramdam ko tuloy walang direksyon ang buhay ko. walang purpose. walang dahilan. yun bang tipong "anong ginagawa ko sa mundong ito? Lord, bakit nyo ba ako ginawa?" kasi kahit anong pagbabago ang gawin ko, ganun pa rin ang tingin sakin ng mga tao.
lintik... nakakainis. gabriel, ano ba yan mga pinag-iiisip mo? oo. siguro sa katamaran ng taong ito puro pag-iisip na lang ang ginagawa. puro pagmumuni-muni. ano resulta? nananaginip ng gising.. nakatulala sa hangin.. syemay.
nahawa na yata ako sa mga psychotic sa UP. i need to strain myself. kailangan kong gumalaw. pagurin ang sarili, basta hindi sa kaiisip.
*sigh* nagbubuntong-hininga... putek, ano bang problema ko? ba't ba ako nagpapakatanga? face the truth. wala kang pag-asa. wag mong isiping meron. hoy... hoy.. teka lang! hindi iniiyakan yang mga ganyang bagay. tol, lalaki ka. ayusin mo sarili mo. wag kang parang bata. wag kang magmukmok diyan! ako sayo kalimutan mo na siya.
pero pano? paano?? kapag kinalimutan ko ba yun, gaganda ba buhay ko? gagaan ba kalooban ko? makakangiti na ba ako ulit ng tunay na ngiti? o ba't di mo masagot mga tanong mo? umayos ka gabriel! maawa ka sa sarili mo. tignan mo ha... kasi yung sakit ng paglimot, sandali lang yan. yung paghihintay... hindi mo alam! malay mo habang buhay ka nang naghihintay AT nasasaktan pero wala kang mapapala. tao ka. tandaan mo yan. may threshold of pain. darating yung point na di mo rin kakayanin. darating yun... at bibitaw ka rin. ako sayo, kung may gagawin ka, ngayon ko na gagawin yun. ngayon na ang tamang panahon! maawa ka sa sarili mo gabriel!!!!!!! eh pano kung hindi naman ako umaasa? pano kung sa kanya ko na nakita yung dahilan ko para mabuhay? at pano kung ang dahilang iyon ay mahalin siya... kahit ano pa??? siguro nga
mamamatay ako ng maaga, pero nagawa ko naman yung tungkulin ko sa mundong ito! tama ako diba? TAMA AKO! at maniwala ka sa akin, paninindigan ko yan!
=======
hayan. dulot ng stress at free time para mag-isip-isip. siguro lumala pa yan kung walang foundation days na dumating.
disco. syet, ang dilim. as if... ano nga bang aasahan ko? siguro nahihilo lang ako. stress lang yan. ba't pa ba ako pumunta dito? di naman ako marunong sumayaw. ang ginagawa pa lang naman namin ay magbuhat at mabuhat ng mga kaibigan patungo sa loob ng isang "circle" at tumakbo. yun lang. sana gumagawa na lang ako ng AP, nakatulong pa ako kay miles. 30 minuto ang lumilipas. wala na, ayoko na yata. walang kadire-direksyon ang buhay ko. pero... ayoko pa umalis. andito mga kaibigan ko. dito ako masaya, in some way.... hay. anong kalokohan na ba itong pinagiisip ko? gosh! psychotic na nga yata talaga ako! pano to?
rrrring... rrrring.... "hello?... ah andyan na po kayo? sige po... sabihin nyo lang po anong kelangan... di pa po tapos, pero try ko na lang bumalik.. sige po, babay..." oh goodness. the best of times, yet the worst of times. pinag-grocery ba naman ako. mga magulang ko talaga. pasalamat sila mahal ko sila! wahaha. anyway, sunod na lang. sige. sana makabalik pa ako. sana lang. 1 zillion years later, tapos na ako mag-grocery. tawag ulit si bossing: "... ha? di na po ako babalik? o sige po.. papunta na ako." the worst of times, and the worse of times. ewan ko ba. di na raw ako babalik dun. badtrip naman o. anyway, pagod na rin naman ako so patawarin na lang. pero.... whatever. gagawa na lang ako ng AP. tatapusin ko na. isesend kay miles. whew. goodnight.
ang aga na naman ng gising ko. excited? day 1 of 2 ng foundation days. umuulan. malamig. no reason for excitement? pronto. "the clock on the TV... says 6:59 am... it's too late..." sabi ni miles. late? para sa fun run. as if may tumakbong 4th year. ang corny kasi eh. naglalakad ako papunta, biglang may batalyon ng mga first year na sumalubong sa akin. hindi na ako sumali.... hanggang sa nalaman ko na lang na may chuckie ung mga tumakbo. hayun, hanap ako ng kasama, tapos takbo, ikot sa terminal ng tricycle, daldal sandali, tapos balik! kaya may chuckie na kami! wahaha. ang saya... pero ang lamig pa rin. naka-blue nga naman kasi eh...
mamaya-maya nagsimula na yung kickoff ceremonies. ayos lang naman, nakatanga lang kami dun, binabantayan ng mga cocc at sinasabi sa aming manatili sa covered court kahit na ayaw namin... nakinig kami sa mga mahahaba ngunit puro pambobolang talumpati ng kung sino-sinong guest speakers kuno... ang enjoy lang na part ay yung sumayaw yung ibang mga studyante... tsaka mga teachers na rin, wala lang. ang galing nilang sumayaw, lalo na si ma'am alvarez... inlab na nga yata ako sa kanya eh... wahaha... tapos nun nakipagpatintero kami dun sa mga cocc ng sandali para mang-istorbo bago tumungo sa english booth na kung saan kami naka-istasyon.
hay, nakakapagod pala kapag on-duty ka. grabe. yung booth kasi namin baggage atsaka booksale. nakalugar yun sa may tapat ng socsci center, katabi ng property room. simula pa lang nung araw grabe, kung kani-kaninong mukha ang mga nakita ko, lalo na yung mga naka-berde, andami nila, ang sakit sa mata! hayun, tapos minsan may iaabot sa aking libro yung isang bata kasi bibilhin niya... ako naman si wirdo, tinitigan lang siya na pawang hindi alam ang dapat gawin *eh hindi naman talaga, nakalimutan..* hayun, kakapagod talaga.
after lunch, nanood kami nung cheering competition kung saan kasali ang freshmen, sophomores, at juniors. ba't di kami kasali? sobrang galing na kasi namin para doon -
grand slam nga eh. di na kelangang patunayan yun... si jaimee faith naman katabi kong nanonood nun.. sobrang linait namin lahat ng mga batches sa kawalang-kakwentahan nung mga presentations.. yung sa first year nga nabansagang "on-court practice" ng mga tao eh.. kaawa-awa talaga... at ang sama naming mang-asar, pero yun naman ang totoo! nanghihinayang nga yung buong batch '06 dahil di kami sumali, dahil daw masyadong maraming gagawin; pero tingin namin agkakita dun sa mga presentations... tugsh! sana sumali na lang talaga kami. kahit na wala nang dapat patunayan. anyway, ayos na... yata. kasi mukhang nagka-away, nagkainitan yung seniors atsaka juniors bago sabihin yung panalo. basta nag-asaran... at sa totoo lang kampi ang seniors sa sophomores... ewan ko kung baket, pero siguro dahil ayaw "naming" manalo ang juniors... and true enough, nagchampion ang sophs, second and juniors... at pinaulanan ng seniors ang juniors ng mga banat. grabe...
anyway, naghahanda na ang mga tao para sa battle of the bands after nun. so alisan na ang mga tao... mga 4:30 wala na akong kasama, so tinry ko bumalik sa school. nakita ko si kathy... since di naman ako pupunta, sinamahan ko na muna siya... tapos mula dun biglang nagbago ang aura, ang mood, ang environment... parang sobrang lungkot talaga.... ewan ko ba! pareho kaming makaramdam ng ganun... pumunta kami ng mcdo, sumama dun sa mga kaklase namin, pero ang mood, tahimik, malungkot, ganun pa rin... parang hindi magpupunta sa battle of the bands *well hindi naman po talaga* sa tahimik... tinatanong na nga kami nung mga kasama namin, "okey lang ba kayo?" tapos sasagot kami, hindi namin alam. ang labo? ang labo! ayun! mga 6 pa lang, umuwi na ako. sobrang badtrip na talaga, sa mcdo naluluha na raw ako *sabi nila.*
gusto kong pumunta talaga ng battle kaso ayaw ng magulang ko. badtrip. nakakainis! kaya natulog na lang ako sa bahay, at nagmuni-muni... salamat sa Diyos di ako umiyak... pero ang lungkot ko talaga nun! *baket ba ako ganito? badtrip! hmmp!*
=======
bwisit. napagod na ako't lahat pero ganun pa rin. sige, hanggang dito na lang muna. kunwari naghahanda na ako para sa Ateneo. wahoo. ciao!