the writer
a writer, eh? not really. but why? because i'm a hopeless romantic. taunt me. laugh like the hyena. do the hokey-pokey. pounce on me. tell me how hopeless i am... real hopeless. go ahead. that's fine with me...
or share some pity and feel my pain. isn't that him, the dying martyr? oh, the poor chap. look at his frail limbs and fragile soul. but no, no. you'd never say that.
because i'm just a freakin' writer who no one cares about.. do tell me if i'm wrong, huh. not that i care.

Image hosted by Photobucket.com
did you hear me?

ace | adam | anna | ate airuz | ate aleth | ate anna | ate kimie | ate kris | ate lorine | ate norai | ate patit | bricci | cynthia | dana | desa | dina | gelynne | gerald | graziella | hazel | jaimee | jamie | janica | jason | jenny | justin | kathy | kuya dean | kuya james | kyreen | larz | m.a.j.i.k. | macy | marella | miles | phimie | raphael | rhio | pikselot | swastika | toki | yeye/valen


speak up...



past notes

April 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005


credits

layout by qamuri
template hosted by blogskins
image hosting by photobucket
comment and trackback system by haloscan
javascript by dynamic drive
based on dictionary.com

9.26.2005

sky blue and fever.

36 1/2 hours after my bout with bronchitis, my parents' silver vios made a surprise appearance at our school's parking lot.

it was family day for avo-4, and i wasn't expecting them until seven. so i pleaded to our adviser to release my card ahead of everyone else, and then off we went, to home sweet home.

'twas a sad thing, missing the first of few gatherings, but then again, i might also need a rest, and i understand my parents' concern for that. whatever...

upon reaching the front doors, i recognized a faint scent drifting from somewhere inside: paint. not minding the smell, i made my way in and up to our bedroom, till i realized that the smell was growing stronger. i looked up - and lo, and behold, i finally knew; our bedroom was being repainted.

"o, gusto nyo ba yung kulay?" asked my father. he was referring to the newly-furnished room walls, covered with sky blue paint. i refused to comment, but i honestly found it a bit disgusting; the shade of blue was quite too girlish for me. it's a good thing i'm not too picky about colors, and i can dwell with that.

the thing that bothers me is having to sleep in our sala floor, since the room is "under renovation"... i feared that my bronchitis would be triggered again at the event - dust and dirt were just all around, and add to that the strong odor of acrylic.

a night passed, and another, without incident. eventually my fears were quelled...

until monday early morning. that is, kaninang umaga lang. i woke up to this very odd feeling... chilly and weak and restless. i can't seem to get up. an hour and a quarter went through, and i was still in bed. i felt a cold, gentle hand on my neck... "may lagnat ka."

and so i was bedridden until now... while my parents are away at work. *finally, i've caught up with the rest of the blogging world... hahaha. (",)*

the silent spoke up on 15:59

_______

9.22.2005

unmovtivated.

the week is quickly coming to a close... tomorrow would be friday - family day for avogadro-IV... together with the release of cards. no thrill in that.

and about five days ago, i took the ateneo college entrance test at room two of ateneo high school, 1:00 pm. actually the test started an hour later than expected... the test was so damn easy. it was nothing like other people say about it - hard, difficult, and oh-you'd-be-damned. dunno, but it was really quite easy to me...

then just eighteen hours earlier, something triggered my body to succumb to bronchitis. i was immediately brought to the hospital, where medications were administered. i was released eight hours earlier... which meant i was late for class. and i barely made through the day, though the fatigue and the sleeplessness resting on me wasn't evident, thank God.

generally, i feel so down and depressed. maybe it's just a vague feeling, but it probably means something that i have yet to know. it all came while i was browsing through blogs and journals.
at school, it's much worse. many a time have i been caught wandering to deep meaningless realities through longing gazes and blank stares at empty, dead spaces.

this is so sick.

and now... that's all for the week. boring, huh?

the silent spoke up on 20:33

_______

9.20.2005

labo noh....

"gabriel! ikaw ba yan?"

yan na ang karaniwang sumbat ng mga tao sa akin kapag araw-araw na nila akong nakikitang maaga sa klase, may dalang malaking bag at nagsusulat ng notes. hindi ba makapaniwala ang mga tao na kaya ko ring magbago? pano ko ba papatunayang hindi pagpapakitang tao lamang ang lahat ng ito???

hay. pakiramdam ko tuloy walang direksyon ang buhay ko. walang purpose. walang dahilan. yun bang tipong "anong ginagawa ko sa mundong ito? Lord, bakit nyo ba ako ginawa?" kasi kahit anong pagbabago ang gawin ko, ganun pa rin ang tingin sakin ng mga tao.

lintik... nakakainis. gabriel, ano ba yan mga pinag-iiisip mo? oo. siguro sa katamaran ng taong ito puro pag-iisip na lang ang ginagawa. puro pagmumuni-muni. ano resulta? nananaginip ng gising.. nakatulala sa hangin.. syemay.

nahawa na yata ako sa mga psychotic sa UP. i need to strain myself. kailangan kong gumalaw. pagurin ang sarili, basta hindi sa kaiisip.

*sigh* nagbubuntong-hininga... putek, ano bang problema ko? ba't ba ako nagpapakatanga? face the truth. wala kang pag-asa. wag mong isiping meron. hoy... hoy.. teka lang! hindi iniiyakan yang mga ganyang bagay. tol, lalaki ka. ayusin mo sarili mo. wag kang parang bata. wag kang magmukmok diyan! ako sayo kalimutan mo na siya.

pero pano? paano?? kapag kinalimutan ko ba yun, gaganda ba buhay ko? gagaan ba kalooban ko? makakangiti na ba ako ulit ng tunay na ngiti? o ba't di mo masagot mga tanong mo? umayos ka gabriel! maawa ka sa sarili mo. tignan mo ha... kasi yung sakit ng paglimot, sandali lang yan. yung paghihintay... hindi mo alam! malay mo habang buhay ka nang naghihintay AT nasasaktan pero wala kang mapapala. tao ka. tandaan mo yan. may threshold of pain. darating yung point na di mo rin kakayanin. darating yun... at bibitaw ka rin. ako sayo, kung may gagawin ka, ngayon ko na gagawin yun. ngayon na ang tamang panahon! maawa ka sa sarili mo gabriel!!!!!!! eh pano kung hindi naman ako umaasa? pano kung sa kanya ko na nakita yung dahilan ko para mabuhay? at pano kung ang dahilang iyon ay mahalin siya... kahit ano pa??? siguro nga
mamamatay ako ng maaga, pero nagawa ko naman yung tungkulin ko sa mundong ito! tama ako diba? TAMA AKO! at maniwala ka sa akin, paninindigan ko yan!

=======

hayan. dulot ng stress at free time para mag-isip-isip. siguro lumala pa yan kung walang foundation days na dumating.

disco. syet, ang dilim. as if... ano nga bang aasahan ko? siguro nahihilo lang ako. stress lang yan. ba't pa ba ako pumunta dito? di naman ako marunong sumayaw. ang ginagawa pa lang naman namin ay magbuhat at mabuhat ng mga kaibigan patungo sa loob ng isang "circle" at tumakbo. yun lang. sana gumagawa na lang ako ng AP, nakatulong pa ako kay miles. 30 minuto ang lumilipas. wala na, ayoko na yata. walang kadire-direksyon ang buhay ko. pero... ayoko pa umalis. andito mga kaibigan ko. dito ako masaya, in some way.... hay. anong kalokohan na ba itong pinagiisip ko? gosh! psychotic na nga yata talaga ako! pano to?

rrrring... rrrring.... "hello?... ah andyan na po kayo? sige po... sabihin nyo lang po anong kelangan... di pa po tapos, pero try ko na lang bumalik.. sige po, babay..." oh goodness. the best of times, yet the worst of times. pinag-grocery ba naman ako. mga magulang ko talaga. pasalamat sila mahal ko sila! wahaha. anyway, sunod na lang. sige. sana makabalik pa ako. sana lang. 1 zillion years later, tapos na ako mag-grocery. tawag ulit si bossing: "... ha? di na po ako babalik? o sige po.. papunta na ako." the worst of times, and the worse of times. ewan ko ba. di na raw ako babalik dun. badtrip naman o. anyway, pagod na rin naman ako so patawarin na lang. pero.... whatever. gagawa na lang ako ng AP. tatapusin ko na. isesend kay miles. whew. goodnight.

ang aga na naman ng gising ko. excited? day 1 of 2 ng foundation days. umuulan. malamig. no reason for excitement? pronto. "the clock on the TV... says 6:59 am... it's too late..." sabi ni miles. late? para sa fun run. as if may tumakbong 4th year. ang corny kasi eh. naglalakad ako papunta, biglang may batalyon ng mga first year na sumalubong sa akin. hindi na ako sumali.... hanggang sa nalaman ko na lang na may chuckie ung mga tumakbo. hayun, hanap ako ng kasama, tapos takbo, ikot sa terminal ng tricycle, daldal sandali, tapos balik! kaya may chuckie na kami! wahaha. ang saya... pero ang lamig pa rin. naka-blue nga naman kasi eh...

mamaya-maya nagsimula na yung kickoff ceremonies. ayos lang naman, nakatanga lang kami dun, binabantayan ng mga cocc at sinasabi sa aming manatili sa covered court kahit na ayaw namin... nakinig kami sa mga mahahaba ngunit puro pambobolang talumpati ng kung sino-sinong guest speakers kuno... ang enjoy lang na part ay yung sumayaw yung ibang mga studyante... tsaka mga teachers na rin, wala lang. ang galing nilang sumayaw, lalo na si ma'am alvarez... inlab na nga yata ako sa kanya eh... wahaha... tapos nun nakipagpatintero kami dun sa mga cocc ng sandali para mang-istorbo bago tumungo sa english booth na kung saan kami naka-istasyon.

hay, nakakapagod pala kapag on-duty ka. grabe. yung booth kasi namin baggage atsaka booksale. nakalugar yun sa may tapat ng socsci center, katabi ng property room. simula pa lang nung araw grabe, kung kani-kaninong mukha ang mga nakita ko, lalo na yung mga naka-berde, andami nila, ang sakit sa mata! hayun, tapos minsan may iaabot sa aking libro yung isang bata kasi bibilhin niya... ako naman si wirdo, tinitigan lang siya na pawang hindi alam ang dapat gawin *eh hindi naman talaga, nakalimutan..* hayun, kakapagod talaga.

after lunch, nanood kami nung cheering competition kung saan kasali ang freshmen, sophomores, at juniors. ba't di kami kasali? sobrang galing na kasi namin para doon -
grand slam nga eh. di na kelangang patunayan yun... si jaimee faith naman katabi kong nanonood nun.. sobrang linait namin lahat ng mga batches sa kawalang-kakwentahan nung mga presentations.. yung sa first year nga nabansagang "on-court practice" ng mga tao eh.. kaawa-awa talaga... at ang sama naming mang-asar, pero yun naman ang totoo! nanghihinayang nga yung buong batch '06 dahil di kami sumali, dahil daw masyadong maraming gagawin; pero tingin namin agkakita dun sa mga presentations... tugsh! sana sumali na lang talaga kami. kahit na wala nang dapat patunayan. anyway, ayos na... yata. kasi mukhang nagka-away, nagkainitan yung seniors atsaka juniors bago sabihin yung panalo. basta nag-asaran... at sa totoo lang kampi ang seniors sa sophomores... ewan ko kung baket, pero siguro dahil ayaw "naming" manalo ang juniors... and true enough, nagchampion ang sophs, second and juniors... at pinaulanan ng seniors ang juniors ng mga banat. grabe...

anyway, naghahanda na ang mga tao para sa battle of the bands after nun. so alisan na ang mga tao... mga 4:30 wala na akong kasama, so tinry ko bumalik sa school. nakita ko si kathy... since di naman ako pupunta, sinamahan ko na muna siya... tapos mula dun biglang nagbago ang aura, ang mood, ang environment... parang sobrang lungkot talaga.... ewan ko ba! pareho kaming makaramdam ng ganun... pumunta kami ng mcdo, sumama dun sa mga kaklase namin, pero ang mood, tahimik, malungkot, ganun pa rin... parang hindi magpupunta sa battle of the bands *well hindi naman po talaga* sa tahimik... tinatanong na nga kami nung mga kasama namin, "okey lang ba kayo?" tapos sasagot kami, hindi namin alam. ang labo? ang labo! ayun! mga 6 pa lang, umuwi na ako. sobrang badtrip na talaga, sa mcdo naluluha na raw ako *sabi nila.*

gusto kong pumunta talaga ng battle kaso ayaw ng magulang ko. badtrip. nakakainis! kaya natulog na lang ako sa bahay, at nagmuni-muni... salamat sa Diyos di ako umiyak... pero ang lungkot ko talaga nun! *baket ba ako ganito? badtrip! hmmp!*

=======

bwisit. napagod na ako't lahat pero ganun pa rin. sige, hanggang dito na lang muna. kunwari naghahanda na ako para sa Ateneo. wahoo. ciao!

the silent spoke up on 21:37

_______

9.12.2005

assignment!

sa isang sulok ng classroom, merong isang makulay na "gc-board" kung san nakalagay ang lahat ng dapat gawin per subject except electives. kadalasan, wala yan gaanong laman. pero pag tinopak ang mga teachers, humanda na lang.

nung isang linggo, eto yung mga nakasulat...

english: ----
chem: quiz
pinoy: kab. 22
math: suntukin si gab!
ap:
p6: ----
pehm: ----
research: ----

yada, yada, yada. sige, kahit balik-balikan mo pa yan, basta last week yan yung nakalagay.

the response was clearly positive. maya't maya, may susuntok, babalya, babangga saken (kadalasan si jason o si ronald o si kevin o si noel o si ronnie). nung friday nung isang linggo akala ko babagsak na talaga ako. ang sakit talaga ng mga braso ko nun. himala na sigurong nakauwi pa ako...

----

debate, quiz, reporting, quiz, quiz, assignment, assignment, essay..... di na ba nagsawa yung mga teachers na yan? siguro mas okey nang gawing project yung "suntukin si gab" kaysa ganyan karaming gagawin eh! bwisit nga naman talaga.

sana na lang pagkatapos nun time-out muna. please....

the silent spoke up on 21:13

_______

9.08.2005

"?"

hay. ayan ka na naman eh. malambing, sobrang sweet, ewan ko ba. yun bang kahit isang "martir" na tulad ko'y di maiwasang ngumiti sa tuwa...

ba't ka ba ganyan saken? hindi sa nagfi-feeling ako ha. totoo naman diba? yan tuloy. dahil sa lahat ng ginawa mo para sakin, lahat ng sinabi mo, lahat-lahat na... di ko maiwasang isipin.... minsan nga halos di na ako makapagpigil... siguro naman napapansin mong kadalasan, di na lang ako magrereact, mananahimik na lang. hindi ko na kasi talaga alam!!!!! waaaa!!!

hay. ganito na lang... may gusto kasi akong itanong sayo... alam mo kasi, para kasi akong tuod dito... di makakilos, walang magawa. kasi hindi ko alam... siguro nga naiipit lang rin ako sa mga nararamdaman ko...

ngayon, sana sagutin mo naman yung tanong na ito.... para alam ko na kung anong gagawin ko. at wag kang mag-alala, handa na rin ako sa kung anumang isasagot mo. masaktan na kung masaktan, matuwa na kung masaya nga.

o.. eto na....

ano kasi....



sino ba talaga ako sayo?


hay. pasensya ka na. (",)

the silent spoke up on 20:18

_______

9.06.2005

whistles and hands and nets

prrrt! swoosh. thud! phuck. clang! a millisecond of silence. and then, shriek! boo! ^&!@#$*!!! whoooo!!!! aargh!!

prrt! prrrt! prrrrrrrrt!!!

all these heard while you see players run in and out in streaking blurs, while you watch balls thrown from this side to another, while you marvel at the swift and graceful motion of rackets and arms, while referees frantically try to restore order in every instance.

ahh, the sights and sounds of such games... how... tormenting.

for at the end of the day, everyone loses... their body water and stamina, their interest at anything else, thier temper, their time, and eventually their money.

at least you enjoy, for once.

and here's where the so-called "trade-off," more commonly known as "opportunity cost," comes in. fun or health? moments of pure exhilariation or a guarantee to health and safety?

it's all up to you. just manage your "resources" well.

and one more thing - be prepared... for the best, or for the worst. (",)

the silent spoke up on 20:29

_______

a psychotic's online dictionary


DEAR READER,

This blog site is no more used by the writer.

Please proceed to his NEW SITE if you're still interested at what's happening to him.

However, if you persist...

click on this icon.

THANKS. If you want to dig deeper into his past... Click here.



gee... thanks guys...
(gee, thanks guys...)