bulag. tanga. mapang-api. manhid.
sabi nila, ganyan ka raw.
bingi. mas tanga. nagpapaapi. martir.
ayan. ayan naman daw ako.
alam mo, tama sila. ikaw... kung bumanat, parang wala lang yung tao sa tabi-tabi. di maintindihan kung nagpaparinig ba o gustong manakit o nangiinis lang talaga. ako... parang timang na di umiimik. hambalos dito, hamablos doon, aba, walang pakialam. sabi nila, kailangan daw magbago na ako. nakakaawa na raw kasi. akala mo walang pakialam sa mundo, pero tignan mo ung mata o, naluluha na yata, pero nagpipigil pa rin.
sumbat dito nung isa, "kaya mo pa ba?" sa kabila naman, "okey ka lang?" si martir naman, sasagot, "oo, sanay na eh. ayos lang yan." diba, ang tikas ng dating? hindi.
alam mo, sa totoo lang, mahirap eh. mahirap yung sinasakal ka na, inaapakan, linalampaso sa isang sulok, pero mag-inarte na parang wala lang. mahirap yung hindi ka na nga makahinga, hindi ka na makabangon, pero hala sige, pabaya pa rin.
kaya tama nga talaga sila - kailangang magbago na ako.
pano ka naman ngayon?
wala naman. ayos nang ganyan ka. kasi sa totoo lang, kahit anong sabihin kong ititigil ko na ang kalokohang ito, babalik at babalik pa rin ako sa kinalalagyan ko ngayon. bakit? dahil ikaw yan.
kung magbago ba ako, ibig sabihin ba nun di ka na mahalaga saken? magbabago ba ang pagtingin ko sayo? eh bulag nga ako diba? wala akong pakialam sa kung ano ka sa ibang tao. basta ganyan ka sa akin.
siguro nga, ganun ka na kahalaga. hindi ko mawari kung bakit, pero ganun na lang talaga. at siyempre, ayaw ko na malayo ako sa isang taong mahalaga sa akin diba? natural lang 'yon. intindihin mo na lang sana.
malabo ba ako? oo... pero sana... maintindihan mo. alam mo naman kasi kung bakit ako ganito sayo... c: