hay. ganito ba talaga ang pag-ibig? ang gaan ng pakiramdam, parang lumulutang ka sa mga ulap. ang corny noh? kaya nga tinatanong ko eh: ganito ba talaga ang pag-ibig? partida, wala pa siya nyan sa harap mo. pano pa kaya kung magkasabay kayong naglalakad, o kaya magkatabi kayo sa ulan? tapos, kung makipag-usap ka sa kanya, parang... wala lang. happy happy. kung mag-usap kala mo kung sinong matalik na magkaibigan eh na ngayon lang ulit nagkita at nagkausap. pero alam mong hindi naman ganun, diba? oo, alam mong sandali lang kayo magkakasama. kaya feeling mo, wala lang talaga. sinasamahan mo lang yung tao. eh bakit pa? ilang beses ko na rin tinanong yan sa sarili ko. kelan ko nalaman yung sagot? nung magkahiwalay na kami. nung may iba na siyang pupuntahan. nung alam mong, kelangan na niyang magpaalam. hayan. ngayong wala na siya sa tabi mo, alam mo na kung bakit gusto mo siyang nakakasama, nakakasabay. hayan, hindi mo na malaman kung dapat ka bang ngumiti, kung dapat magsaya, kung dapat malungkot, kung maglalakad ka na lang ba ng mag-isa sa ulan - kung anong dapat mong gawin. at, oo, ganun nga siguro talaga ang pag-ibig. kaya... ngumiti ka na lang.