kacie. kassandra. kassa.
ma. kassandra deloso salvacion.
hay nako. ba't ikaw na naman? di pa ba ako nagsasawa sayo?
araw-araw, ba't ikaw kaagad ang hinahanap? ikaw kaagad yung gustong makita. ikaw. ikaw na lang lagi! pero pag nakita ko na, wala lang. para bang, andyan ka lang, masaya na ako. ngumiti ka lang, maganda na ang araw ko. ganun ba talaga?
tapos, parang lagi ko na lang pinapangarap na makausap ka. na marinig ang boses mo na may sinasabi saken. lagi na lang. lagi na lang hahanap-hanapin ang mga mata mo. tapos pag nagkasalubong, ako naman si tanga, iiwas lang. hindi man lang makabati.
hanggang pangarap na nga lang ba talaga?
ako naman. yung tahimik. yung ayaw magsalita. yung taong alam mong may dinaramdam, pero mukhang wala naman kaya ayaw magparamdam. yung taong pangiti-ngiti lang, pero sa kaloob-looban, pagod na. nanghihina. nalulungkot. yung lalaki na akala mo kung sinong mayabang at magaling, pero sa totoo ay mahina at iyakin. tama ako diba? oo, ako yan. yung mapagpanggap na akala mo, walang pakialam sayo pero meron. hay nako.
isipin mo naman, lagi na akong ganyan sayo. walang pagbabago, tama ba?
ay hindi. mali pala. hindi naman ako ganyan sayo dati diba? kasi dati, nakakausap naman kita. nakakasama naman kita. hindi naman ako nahihiya sayo. *hindi ba?* siguro kasi bata pa ako nun.
ewan ko ha. sino ba ang nagbago sa atin? ako ba yung umiiwas? yung nagtitimpi? yung nagtatago?
o, hindi ba ikaw yung hindi namamansin? yung walang pakialam? yung taong ayaw tanggapin kung ano yung totoo???
teka. baka hindi mo nga pala alam yung totoo. wala ka naman kasing pakialam. atsaka, wala rin naman akong ginawa para iparamdam sayo diba? quits lang pala. bakit wala akong ginawa? para kasing may magbabago pag meron, diba? tingin mo, meron ba? yun naman ang totoo eh. ganyan ka pa rin. ganito pa rin ako.
walang pagbabago. siguro, wala rin namang mangyayaring masama o mawawala saken pag sinabi ko na ano ang totoo. kaya.... sasabihin ko na lang.
o dapat ko pa bang sabihin? alam ko namang alam mo na rin kung anong sasabihin ko. nasayo nga lang siguro ang problema: ayaw mong maniwala. tama ba? kasi hindi naman mukhang totoo. akala mo, isang malaking biro lang ang lahat. hindi biro ang lahat ng ito; kasi kung linoloko lang kita, ba't pa ako susulat ng ganito kahaba para lang sayo? sabihin mo nga!
hay. pasensya na. nasobrahan na yata ako. ganito na lang.
alam mo ba na namimiss na kita? oo. kahit na madalas naman kitang nakikita na andyan lang. baka hindi mo lang ako napapansin. baka hindi mo lang talaga alam na andito lang ako. hindi ko alam. ang alam ko lang talaga, namimiss na kita. gusto na talaga kitang makausap, kahit minsan lang. diba ang magkaibigan dapat nag-uusap? dapat may communication? may bonding moments? dapat masaya, gaya ng dati... diba? at maniwala ka o hindi, malaking kawalan saken ang hindi ka nakakasama. promise, totoo yan.
tapos, wag na wag mong sasabihing hindi ka maganda. kasi, nagpapanggap ka lang na isang taong hindi naman ikaw *tignan mo ako.* alam mo naman kung ano ang totoo eh. isipin mo na lang, mababaliw na ako sayo ng ganito kung hindi ka ganun kaganda? *magpatangkad ka na lang, pwede na. joke!!!!* ang ibig sabihin ko lang, maganda ka na sa kung sino ka ngayon. kaya dapat nakangiti ka lagi. *para masaya na rin ako....*
ikatlo, wag mong isipin na walang kwenta na ang buhay mo. feel ko kasi seryoso ka eh. kung hindi naman, disregard this part na lang. pero, maniwala ka, may purpose ka pa sa mundong ito. hindi ka binigyan ni Lord ng talent at buhay para lang sa wala, diba? at mind you, mawawalan ka lang ng saysay sa earth pag wala nang nagmamahal sayo. problem is, hindi ka mawawalan nun. andyan lagi si Lord. just look up to Him... tsaka, kung sakali namang mawalan ka ng kaibigan *na i doubt na mangyari,* andito pa ako. kung walang saysay ang buhay mo, pano pa ako? di ba? eh di may karamay ka nang walang kwentang tao. *joke lang.* hindi, siguro kasi kaya iniisip mong ganun kasi hindi mo alam na nandito lang ako, kaya sinasabi ko na ngayon.
uhmm... ano nga pala, sorry. sorry, sorry, sorry, sorry sa lahat-lahat. alam kong masama ako sayo. sobra. kaya kung may hinanakit ka sakin, naiinitindihan kita. kasalanan ko na yun, so let me deal with myself. sorry talaga....
at salamat. salamat. salamat talaga. napakabait mo sa akin... hindi ko kayang ibalik ang lahat ng kabaitan mo dahil sobrang dami... pero susubukan ko pa rin...
hmmm. may dapat pa ba akong sabihin sayo? o nasabi ko na lahat? tingin ko oo... pero in summary, eto lang talaga yun.
I LOVE YOU. o kung hindi mo maintindihan yan... MAHAL KITA.
okey na ba? please naman, maniwala ka na kasi. para sa akin, hindi ko na maiintindihan kung ano pa ang malabo diyan. pero kung malabo pa rin talaga... kasalanan ko na yun, siguro kasi malabo lang talaga ako. *at sorry kung ganun nga.*
so... sana maliwanag na ang lahat. hindi ko na alam kung ano ang mangyayari pagkatapos na mabasa mo ito *kung mabasa mo man....* bahala na si Lord dun... sana naintindihan mo lahat ng sinabi ko. totoo yan. promise.
sige, kacie.. hanggang dito na lang siguro. smile po lagi, at God bless... (",)
o, baket? may inaasahan ka bang makita dito? pinagod mo lang sarili mo!