the writer
a writer, eh? not really. but why? because i'm a hopeless romantic. taunt me. laugh like the hyena. do the hokey-pokey. pounce on me. tell me how hopeless i am... real hopeless. go ahead. that's fine with me...
or share some pity and feel my pain. isn't that him, the dying martyr? oh, the poor chap. look at his frail limbs and fragile soul. but no, no. you'd never say that.
because i'm just a freakin' writer who no one cares about.. do tell me if i'm wrong, huh. not that i care.

Image hosted by Photobucket.com
did you hear me?

ace | adam | anna | ate airuz | ate aleth | ate anna | ate kimie | ate kris | ate lorine | ate norai | ate patit | bricci | cynthia | dana | desa | dina | gelynne | gerald | graziella | hazel | jaimee | jamie | janica | jason | jenny | justin | kathy | kuya dean | kuya james | kyreen | larz | m.a.j.i.k. | macy | marella | miles | phimie | raphael | rhio | pikselot | swastika | toki | yeye/valen


speak up...



past notes

April 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005


credits

layout by qamuri
template hosted by blogskins
image hosting by photobucket
comment and trackback system by haloscan
javascript by dynamic drive
based on dictionary.com

6.06.2005

*sigh...*

kay lamig talaga ng hangin sa taas. ang sarap, yung makaramdam ng pagtakas mula sa init ng panahon kahit sandali lang... nakaupo lang sa isang sanga, nakasandal sa matikas na tangkay ng punong mangga.. sinasalubong ang sampal ng malakas na hangin sa aking mukha...

sa kabila ng lahat, ang mga mata'y nanatiling tulala pataas sa langit... pinagninilayan ang isang bagay na tila napakalalim at napakabigat...

"haaay..." nasabi ko na lang bigla, sabay ang mabigat na paghinga na galing sa kaloob-looban.

sino na naman kaya yang iniisip mo ha? babae na naman?

ayan na naman yung konsensya ko, bumanat na naman. "hindi, wala to..." ano ka ba, alam ko yung iniisip mo... tama ako diba?

"sige na nga. tama ka." o bakit ganyan ka magdrama? sino ba yan kasi?

"akala ko ba alam mo ang nasa isip ko? ikaw ang magsabi-" gusto mo sabihin ko kung sino?

"hay nako wag na."

namimiss mo na ba siya?

....

o ba't di ka makasagot?

"pwede ba, tigilan mo muna ako?"

pano yun? eh sinasabi ko lang naman ano ang iniisip mo ngayon ha?

"..haaay..."

'haaay...' namimiss mo na talaga siya ano.... "oo na..."

ba't di mo tawagan? i-text? o sulatan mo kaya? "ayoko eh."

"ayaw mo? diba namimiss mo siya?

"oo." eh.. bakit ayaw mo?....ano, nahihiya ka? di ka naman ganyan ka-torpe dati ha!!!

"ha? hindi ano! kaya kong gawin yun. wala akong dahilan para mahiya sa kanya... kaso..." kaso ano?

"hindi ko alam eh." hindi raw alam. gusto mo sabihin ko sayo?

"wag na. sa ating dalawa na lang yun, ha?" sige na nga. so ganito pala... namimiss mo siya, pero ayaw mo siyang makausap. anong plano mong gawin?

"wala."

wala? di ka ba nasasaktan dyan sa mga ginagawa mo? "nasasaktan. bakit?" ayun naman pala eh.

"pero nabuhay na naman ako para masaktan, diba?" sino nagsabi sayo nyan?

"ako."

...bahala ka. pag di mo kinaya yan...

"bahala na." pero isipin mo na lang ito... di kaya nakakasakit ka rin sa ginagawa mo?

"ha? bakit naman? eh dinaramdam ko na nga lang ito sa sarili ko para wala nang madamay.. diba?" gaano katagal mo na siyang hindi pinapansin?

"... malay ko. ano bang gusto mong palabasin?"isipin mo na lang, di kaya namimiss ka na rin nun?

"ewan ko.. hindi naman siguro... marami ring iniisip yung taong yun, gaya ng iba.. diba?"

sige. tingin mo bakit nya sinabi sayo na namimi-

"pwede ba wag mo nang ipaalala yan, ha?" teka, ikaw nag-isip nyan, sinasabi ko lang sayo...

"...haaay. ayoko pa ring maniwala." hoy bata, tandaan mo di lang ako ang nagsabi sayo nito. pati mga kaibigan mo.

"oo nga. pero hindi ako naniniwala. pasensya na, ayoko talagang umasa sa mga ganyan."

...kung hindi ka umaasa, bakit minamahal mo pa rin yan? tsaka wag ka na mahiya. kiligin ka naman.. yiihee.. ngingiti na yan o!

"nako. ganyan din mga kaibigan ko eh, parang ikaw... di ko alam, pero di talaga ako kinikilig ehh..."

manhid ka pala.

"ano?"

manhid ka. walang pakiramdam.

"pano ako naging manhid eh puro sakit na nga lang tinanggap ko diba?"

aba. '...nabuhay na naman ako para masaktan...' yan sabi mo kanina diba? di kaya nasanay ka na sa sakit, kaya nagkakaganyan ka ngayon...

"pero nasasaktan pa rin ako." sabi mo eh. bahala ka. maniwala ka na lang sa akin, namimiss ka na nun.

"ganun ba? ewan ko. ayoko pa rin maniwala."

oo nga pala, bakit mo ba di kinakausap yun? di ka naman ganyan ha.

"nahihiya ako dun sa tao eh."

natotorpe ka????

"hindi nga eh. nahihiya ako. magkaiba yun." ang gulo mo talaga. sabi mo lang kanina wala kang dahilan para mahiya sa kanya.

"ewan ko. ayoko lang sayangin yung oras niya dahil sa pakikipagusap saken.... sabihin mo namang tama ako, kahit minsan lang!" sabagay. tama ka... pero, wag naman kasi parang di kayo magkakilala.. ang gulo mo talaga...

"ano ba... napagusapan na namin ito.. nagdaan na... bakit mo ba pinapaalala?" kasi inaalala mo eh! ilang beses ko bang dapat sabihin sayo?....ayan ka na naman eh. ganito kasi... kung mahal mo yung tao, ipakita mo....

"bakit pa? kitang kita na naman yung ginagawa ko diba? di niya lang napapansin kasi hindi halata... dahil ganito talaga..."

teka. ano bang ginagawa mo?

"ano pa? sige, sabihin mo nang corny ako o kung ano, pero kung mahal mo yung tao kailangan mong ibigay sa kanya ano yung mahalaga para sa taong yun... naiintindihan mo na ba ako?"

malapit na. isang tanong na lang... hindi ka ba kasama dun sa mga 'mahahalaga' na yun, tingin mo?

"hindi ko alam... pero marami pang mas mahalagang bagay para sa kanya kaysa sa akin..."

hay. ibang klase ka talaga. "ganun ba..." oo... sa kagaganyan mo, kung sakaling dumating yung panahon na mapamahal yung tao sayo hindi mo mararamdaman yun dahil akala mo sinasaktan ka niya... tama ba?

"para naman kasing mangyayari yun diba? ayoko talagang umasa eh."

ayaw? o hindi ka umaasa pero gusto mo talaga...

"ang pangit naman kasi kung puro 'sana' lang yung iniisip mo eh, kung ganyan lang din, edi wag na lang..." teka. di mo pa sinasagot tanong ko.

"pwede bang hindi ko na sagutin yang tanong mo?"

bahala ka. alam ko rin naman yung sagot eh. hanggang dito na lang ako.....

bog! may bumagsak na bunga sa bubong. sa gulat ko nadulas ako ng bahagya, dumaplis sa isang sanga yung kanang binti ko sa may bandang tuhod, at ilang sandaling makalipas pulang pula na sa dugo na ang mahabang marka na kung saan dumaan ang sanga.

"... hay... sana lang talaga..."

the silent spoke up on 19:54

_______

Comments: Post a Comment
a psychotic's online dictionary


DEAR READER,

This blog site is no more used by the writer.

Please proceed to his NEW SITE if you're still interested at what's happening to him.

However, if you persist...

click on this icon.

THANKS. If you want to dig deeper into his past... Click here.



gee... thanks guys...
(gee, thanks guys...)