the writer
a writer, eh? not really. but why? because i'm a hopeless romantic. taunt me. laugh like the hyena. do the hokey-pokey. pounce on me. tell me how hopeless i am... real hopeless. go ahead. that's fine with me...
or share some pity and feel my pain. isn't that him, the dying martyr? oh, the poor chap. look at his frail limbs and fragile soul. but no, no. you'd never say that.
because i'm just a freakin' writer who no one cares about.. do tell me if i'm wrong, huh. not that i care.

Image hosted by Photobucket.com
did you hear me?

ace | adam | anna | ate airuz | ate aleth | ate anna | ate kimie | ate kris | ate lorine | ate norai | ate patit | bricci | cynthia | dana | desa | dina | gelynne | gerald | graziella | hazel | jaimee | jamie | janica | jason | jenny | justin | kathy | kuya dean | kuya james | kyreen | larz | m.a.j.i.k. | macy | marella | miles | phimie | raphael | rhio | pikselot | swastika | toki | yeye/valen


speak up...



past notes

April 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005


credits

layout by qamuri
template hosted by blogskins
image hosting by photobucket
comment and trackback system by haloscan
javascript by dynamic drive
based on dictionary.com

6.11.2005

ang ika-apat...

kreee-e-ek. nahagip na ng dilim ang buong bahay. isang payat na bata ang dumungaw sa nakabukas na pinto. tulog na silang lahat... kaya't ginawang unti-unting gumapang pababa sa hagdan, kinuha ang mga gamit, at umakyat nang muli pabalik sa silid.

tila walang nakarinig o nakapansin man lang.

dahan-dahang isinara ang pintuan... at tahimik na umupo sa kama ang lalaking iyon, kinuha ang isang kwaderno at panulat mula sa isang bag na di na makita dulot ng dilim. sunod namang kinapa ay ang kanyang cellphone; kinalikot ng sandali... at isang maaliwalas na busilak ng ilaw ay nagliwanag sa kanyang kinaroroonan.

lahat ay handa na; hawak ang isang panulat at kwaderno, sa bag ay may hinalungkat pa siyang isang piraso ng papel, na sa unang tingin ay walang halaga... pero ito ang dahilan kaya't nagpapakapuyat pa ang lalaki. binuksan nito ang kwaderno, inilipat ng ilang pahina, at nakahanap ng pagsusulatan.

Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda. Ipinanganak... ang unang mga salita na nakatala sa pahinang iyon.

grabe, kala nyo kung anong drama? gumagawa lang siya ng assignment. wag kayong mag-alala... pero para sa mga hindi pa nakakaalam, ako yang tao na tinutukoy sa mga talata. oo, seryoso!

namangha ba kayo? ako oo. kasi di naman ako ganyan dati. di ko pinagpupuyatan ang assignment; para sa internet ang puyat. kaya nga ako nagulat eh. napansin niyo man o hindi, malaki na ang binago ko.

nagbago na nga ba, o nagpapanggap lang, tulad ng sabi ni ma'am erpelo? kayo na lang maghusga.

hatinggabi na noon. naisipan na rin niya na kailangan niyang ipahinga ang kanyang mga mata, malabo na nga eh, wala pang salamin. kaya naman pagkahiga niya, kaagad na rin siyang nahulog sa isang malalim na tulog.

malalim ba? bumangon na kasi ako mga 5:30 am. kung iniisip niyo ang itsura ko pagkagising.. eto yun - tayo-tayo yung buhok, lalo na yung sa may bandang kaliwa (dahil dun nakatagilid ang buhok ko), bahagyang nakapikit at kirat ang mga mata, hindi pantay ang damit na suot. yung kama? wag niyo nang itanong.

nung mga panahon na yon, sigurado na ako na hindi ako mahuhuli sa klase (5:30 ba naman diba?) tapos mabilis naman ako mag-ayos ng sarili ko. mga 6:20, nakaalis na ako ng bahay. tapos nakasakay agad ako sa jeep. naghihinala na nga ako na magiging maganda ang araw ko eh.

nasa may mcdonald's playplace na ako ng mga 6:50. napapangiti-ngiti na ako nun, sigurado na kasi talaga ako nun. kaya naman medyo binilisan ko na rin lakad ko patungo sa paaralan (mga 10 minuto rin yun.) mula playplace. pagkarating ko... wala nang masyadong tao sa labas. yung oras sa guardhouse: 7:15 am. patay. apat na.

kaya ayun nanaman, habang naglalakad ako ng mabilis patungo sa room namin ang tindi ng kabog ng damdamin ko. buti na lang mabait si mrs. bongon, yung 1st subject at english teacher nmen. buti na lang talaga. pero apat na ang late ko. wala na akong magagawa dun.

tapos dumating yung math time. pinasa namin yung pinakauna naming assignment ng taon... na nakalagay sa maliliit na filler. nakakatuwa nga yung teacher mgcheck eh (si miss guggie) kasi ngsstamp lng siya ng pangalan nya sa may filler, tapos okey na! ang cute nga eh.

dahil nakaupo ako sa harap ng teacher's table nun, ako yung pinagbalik nung mga na-checkan nang fillers. at syempre, kasama yung filler nya dun. oo di ko pa rin siya naharap, pero, sabihin nyo naman, asenso ako kahit papano diba??? ( :D pagbigyan nyo na ako. please.) tapos nun, nag-quiz kami. pinakaunang quiz ng taon. ayos lang, nakakahilo na nakakasakit ng batok na nakakaantok, gaya ng lahat ng mga quiz sa math. di ko nga natapos eh. bad trip. haaay.

mga 40 na minutong nakalipas, break na namin. kasama ko yung kapatid kong babae. (na kaklase rin :D) hiram ko pa salamin niya; okey lang kasi pareho lang grado ng mata namin (at magkamukha daw kami, kaya kapatid ko siya!) naguusap-usap lang kami tungkol sa mga bagay-bagay sa may malapit sa hagdan, hanggang... sa dumaan siya. nagulat naman ako sa reaksyon ni kapatid kasi dinala niya ako pabalik sa classroom namin.

"alam mo, kuya, kausapin mo na yun. habang 4th year pa tayo at may panahon ka pa."

natahimik naman ako bigla. nabulabog na naman utak ko... "..ha?"

yun lang ang nagawa kong masabi.

"oo pansinin mo naman kasi. para kasing di kayo magkakilala, alam mo ba yun? ano ba ang problema? gusto mo pa rin ba sya?"

"uh... ano... ewan..." sagot ko sa kanya, habang linulunok ko yung bigat nung mga sinabi niya. "...oo."

"yun naman pala eh. pansinin mo kasi."

"...alam mo, di ko alam... may masama ba akong ginagawa?"

"wala naman... diba kaibigan mo pa rin naman siya eh."

at ang magkaibigan ay naguusap - isang bagay na lagi kong sinasabi sa iba, ngunit di ko naman magawa. hanggang sa ngayon, pinag-iisipan ko pa rin yan... at di pa rin maiwasan ang masaktan habang iniisip yun.

pagkatapos nun, bumaba kami sa canteen, kasi andun yung nanay ni kapatid na nagpabili ng mga libro. at aba naman, pagdating namin dun may binabantayan na dalawang plastik ng makakapal na libro yung nanay niya. naisip ko na lang bigla na kailangan ko rin ng libro, gaya nya.

nakasalubong ko rin yung dati naming adviser (avo-3).

dahil sa kilala ako nung guro, ang una niyang tanong sa akin ay...

"ano, gab, nala-late ka pa rin ba?"

ngiti naman ako, sabay sabi "ma'am! hindi na po." ang sama ko noh? sinungaling!

nung hapon naman, nagpakita na rin ang isa pang guro namin; sa musika, si gng. lomibao, na ang buong pangalan ay leticia lorenzana lazo lomibao. ma-L daw siya... ma-love!!!

hayun. maaga na naman ang uwian. wala si sir atanacio. at di ko pa pala nasabi - may adviser na kami, si ma'am villar, ang guro sa filipino. akala ko mataray lang siya, pero ayos pala - magaling din. (teka, di ko pa ba talaga nasasabi ito?)

kaya, maaga ulit ang uwian. pakasaya muna ako, kasi baka kinabukasan baka lumaglag ang mukha ko sa lungkot. :)

naglalakad na ako pauwi... nang nagulat ako dahil sa linaw ng paningin ko.

nasa akin yung salamin ni kapatid. kailangan kong pumasok ng maaga bukas... tsk.

the silent spoke up on 21:06

_______

Comments: Post a Comment
a psychotic's online dictionary


DEAR READER,

This blog site is no more used by the writer.

Please proceed to his NEW SITE if you're still interested at what's happening to him.

However, if you persist...

click on this icon.

THANKS. If you want to dig deeper into his past... Click here.



gee... thanks guys...
(gee, thanks guys...)